Jun Lozada Blogs / 13 posts / 2,201 comments / feed / comments feed

Awareness is the first step towards cure

What can an ordinary citizen do to stop this abusive president?

Human Behavior in an Abusive Relationship

All literature about abusive relationship such as domestic violence in a home, bullying in a school or different forms of harassment in a workplace shows that the situation will only improve once the victims learn how to say no to the abusers and tell themselves that they will not take any more abuse or violence ever again. Only then will the process of healing and liberation begin for the abused. Because over and over again the abuser will only show a pattern of abusive behavior and apology, yet will continue with the harmful acts to the abused.

The Power to ASK – The Untapped Power of Each Filipino to say NO!

In many forums that I have participated in as a resource speaker, the most common question asked of me is, “What can an ordinary Filipino do to fight the abuses of GMA?” My answer to this question is simple: each Filipino has the right and the ability to ask questions, and each one can use this right to force an answer from their leaders, until many of these leaders are disturbed enough to take action against the abuser.

Kung ikaw ay isang bata, tanungin mo ang iyong mga magulang, bakit nila hinahayaan ang gobyerno ni GMA na sirain ang inyong kinabukasan? Bakit nila pinababayaan ang walang humpay na pag-sisinungaling, at kapag nabubuking katulad ng NBN-ZTE at MOA sa MILF ay sasabihin lamang na binawi na, kaya ok lang? (Bilin ko sa mga bata ay kanilang bantayan ang reaksyon ng mukha ng kanilang magulang kapag ito ay kanilang tinatanong)

Kung ikaw ay isang estudyante, tanungin mo ang iyong kaklase, propesor o ang inyong principal o dean sa kolehiyo bakit hindi sila kumikibo sa harapan ng harap-harapang pang-iinsulto sa kanilang mataas na kaisipan na pinag-gagawa ng mga nasa gobyerno?

Kung ikaw ay isang empleyado, tanungin mo ang may-ari ng iyong pinapasukan bakit sila pumapayag sa pang-gigipit sa kanila ng mga tiwaling kawani ng gobyerno na dapat nga ay nagsisilbi sa kanila? Bakit sila pumapayag na makipag-ayos sa maling gawain ng mga abusadong otoridad?

 

Kung ikaw ay taga gobyerno, tanungin mo ang iyong amo o mga kasamahan, bakit sila nanahimik sa gitna nang laganap na korupsyon sa kanilang mga opisina? Bakit sila nanahimik sa gitna nang labis na dusa ng taong bayan na dapat ay kanilang pinagsisilbihan?

Kung ikaw ay sundalo, tanungin mo ang iyong opisyal at mga kasamahan, kung bakit patuloy pa rin ang inyong pagsisilbi sa isang gobyerno na wala nang tiwala ang taong bayan? Bakit patuloy pa rin ang inyong pagsisilbi sa isang gobyernong nagnanakaw sa bayan? Bakit patuloy ang inyong pagsisilbi sa isang organisasyong hindi na taga bantay-laya kundi isa nang taga bantay-nakaw?

Kung ikaw ay isang guro, tanungin mo ang kasamahan at mga opisyal ninyo, bakit marami sa kanila ang hindi sinusunod ang kanilang mga tinuturo? Bakit hindi nila maisabuhay ang maging isang ulirang modelo ng mga batang kanilang tinuturuan? Bakit isa sa pinaka-talamak na ahensya ng gobyerno ang DepEd? Bakit uso na sa parochial o private schools ang rebate sa book purchase?

Kung ikaw ay isang relihoyoso, tanungin mo ang iyong mga kasamahan at mga superyora, obispo, o cardinal, bakit meron sa kanila ang siya mismong taga suway ng kanilang sermon sa pulpito ng simbahan? Bakit tayo na nataguriang most Christian nation ay siya ring most corrupt sa Asya at isa sa pinaka-corrupt sa mundo? Bakit marami sa kanila ang nag-bubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan sa napakaraming katiwalian ng gobyerno ni GMA na nagtutulak sa napakaraming Pilipino lugmok sa kahirapan na gumawa ng kasalanan sa kapwa niya at sa Diyos?

Kung ikaw ay isang OFW, tanungin mo ang iyong sarili sampu ng mga kasamahan mo, kung ano ang serbisyo na naibibigay sa inyo ng gobyerno sa panganib na sinusuong ninyo bilang tagataguyod ng ekonomiya ng Pilipinas? Tanungin mo ang inyong pamilya kung ano ang kanilang natatanggap na tulong sa gobyerno kung kayo ay minamaltrato o ina-agrabyado sa ibang bansa?

Higit sa lahat, kung ikaw ay isang Pilipino, tanungin mo ang iyong sarili, bakit mo hinayaang gawin sa iyo ang pang-aabuso sa iyong dangal at pagkatao? Bakit mo hinahayaan na ang pinagpaguran mong pera ay bawasan ng buwis, na ang binibili mong pagkain, kuryente at gasolina ay patawan ng mas mataas na buwis, para lamang sa pakinabang ng mga nakaupo sa gobyernong ito ni GMA?

Matuto tayong magtanong hanggang tayo ay magising, dahil ang isang gising na bayan lamang ang magpapalaya sa atin laban sa mga mapang-abuso.

9 Comments

  1. Kharry — September 15, 2008 #

    For a very long time we have been trying to tell everybody that Jun lied. Jun was never for the real truth; he was caught in the act of stealing and then resorted to lying and misleading the public. Now, at the end, he is living in own world of lies and deceit.

    “The court (Court of Appeals), in a September 12 decision written by Justice Celia Librea Leagogo, said Lozada’s right to life, liberty, and security were not violated or even threatened.”

    “It said there was no evidence that Lozada was kidnapped from the airport. It said he knew that the men sent to fetch him were people sent by Environment Secretary Lito Atienza to secure him as they had agreed.” ( PDI - Sept.15, 2008 ).

    It is about time for Jun to go into oblivious silence and reassess himself. The people have forgot and forgave him for his antics and it will be more sensible if he quietly move on with his life without causing any furors or controversies.

    It is also time for those crazy senators to come to their senses, if they have any.

  2. Jun — September 15, 2008 #

    hindi naman daw pala kidnapping sabi ng CA. eh ano kaya ang tawag dun? mahirap talaga ang iyong inumpisahan mr. jun lozada. well, sa dami ng mga taong humanga at sumuporta sa iyo ay dapat lang na tapusin mo iyan. nagsakripisyo ka na rin lang sampu ng iyong mga mahal sa buhay eh dapat hindi masayang ang maganda mong sinimulan. kahit anong mangyari, kahit anong haba pa ng panahon ang dumaan ay ituloy mo ang iyong laban. susubaybayan ko yan kahit anong mangyari para mapatunayan ko rin ang iyong katapatan sa iyong prinsipyo. walang atrasan tukayo ha? manatili ka lang dito sa ating bayan at huwag kang mangingibang bansa. baka isipin ng iba umaatras ka. harapin mo kung ano pa ang mga darating na pagsubok sa iyo dahil sa iyong sinimulang laban. kahit ang maging kapalit ay ang paghihirap ng iyong mga mahal sa buhay ay isulong mo pa rin ang laban. walang atrasan. mabuhay ka! teka, nasan na nga ba yung pagkarami-raming taong sumuporta sa iyo nung kasalukuyang mainit ang issue ng pagiging whistle blower mo? hoy magsibalik kayo…mga duwag.

  3. bernadette — September 17, 2008 #

    Hay naku…ang mga supporters, yung mga totoo , andiyan pa, sila ang tahimik , ngunit tapat. Ngunit yung mga pa press lang, ewan ko na kung asaan, at wala nang sound. It’s so Pinoy, ningas kugon…Mabalik tayo sa learned helplessness ni Jun, hindi yun yun, tama si Jun tokayo, mga duwag lang…sa dami na ng issues na lumabas, after ZTE, ni wala nang piyok…o may lakas loob pumiyok. Ika nag ni Jun in one of his talks, ang daming nagbibigay sa kanya ng info at proof ng mga katiwalian, sa kani kanilang departamento, walang may lakas loob, magsabi sa bayan…
    I’ll grant Gloria’s minions that, magaling sila manakot, at manghawak ng kinatatakutan. Pinoy naman, sadyang matatakutin! Perfect combination for a country’s imminent doom. Mabuhay ang Pilipinas!
    May mga katulad naman nitong si Ka -Harry, ay ano ba masasabi ko sayo iho? para namang di mo alam ang mga headlines ngayon tungkol sa CA (in) justices mong pinaniniwalaan.

  4. Jun — September 17, 2008 #

    sayang nga itong si tukayong jun lozada. mukhang nasapawan na ng mga maiinit na tagumpay ni charice pempengco, manny paquiao at arnel pineda. ito na ang more relevant and worthwhile issues ngayon. mga istorya ng pagsusumikap at tagumpay. sabi siguro ng mga taong bayan mas nakakatuwa pang subaybayan kesa sa NBN-ZTE deal ni tukayong jun. lalo pa nung lumabas ang desisyon ng court of appeals. nasan na rin kaya si mr. joey de venecia? baka nag-a audition na rin sa pag-kanta… of course with a different tune

  5. Mike — September 30, 2008 #

    “Thou shalt not make unto thee any graven image, or any likeness of any thing that is in heaven above, or that is in the earth beneath, or that is in the water under the earth: Thou shalt not bow down thyself to them, nor serve them: for I the LORD thy God am a jealous God, visiting the iniquity of the fathers upon the children unto the third and fourth generation of them that hate me;” (Exodus 20:4-5) KJV

    “GOD IS A SPIRIT: and they that worship him must worship him in spirit and in truth.” (John 4:24) KJV

    From this bible verses, we now see that making statues to worship, goes against God’s commandment and only shows that religions who practice this teaching do not know much about God. We can only feel God’s presence in our lives here on Earth. We will only see Him when we get to heaven. So if you want to see God, none other than Our Dearest Jesus, you will have to follow ALL His commandments in order to get to heaven. Yes, the Lord Jesus Christ is God!

    “And without controversy great is the mystery of godliness: GOD WAS MANIFEST IN THE FLESH, justified in the Spirit, seen of angels, preached unto the Gentiles, believed on in the world, received up into glory.” (1 Timothy 3:16) KJV

    “For unto us a child is born, unto us a son is given: and the government shall be upon his shoulder: and his name shall be called Wonderful, Counselor, THE MIGHTY GOD, THE EVERLASTING FATHER, The Prince of Peace.” (Isaiah 9:6) KJV

    “But to us there is but ONE GOD, THE FATHER, of whom are all things, and we in him; and one Lord Jesus Christ, by whom are all things, and we by him.” (1 Corinthians 8:6) KJV

    Dearest peoples of the world, be a member of the true church of the living God, JESUS Miracle Crusade International Ministry. Listen to the TRUE gospel preached by Our Beloved Pastor, Evangelist WILDE E. ALMEDA, THE END-TIME PROPHET OF OUR LOVING GOD. It will change your life for the better! Praise the Lord! Alleluia!

  6. Glenn of Guelph, Ontario — October 3, 2008 #

    PASASABUGIN NA LANG ANG PINAS! Mga Muslim, nasa Koran ang pagiging terrorista! Use all your might! Let the Philippines disappear from the face of this planet!

  7. jonas — October 3, 2008 #

    Saludo ako sa ‘yo Jun Lozada. Kahit pa ano’ng sabihin ng mga kulugo d’yan tama ka sa ginawa mo. Years from now, it will be proven that you did the right thing. Mabuhay ka!

  8. Yuko — October 7, 2008 #

    Bernadette: I’ll grant Gloria’s minions that, magaling sila manakot, at manghawak ng kinatatakutan. Pinoy naman, sadyang matatakutin! Perfect combination for a country’s imminent doom. Mabuhay ang Pilipinas!
    May mga katulad naman nitong si Ka -Harry, ay ano ba masasabi ko sayo iho? para namang di mo alam ang mga headlines ngayon tungkol sa CA (in) justices mong pinaniniwalaan.

    *****
    Agreed! Tama ka, Bernadette, maraming duwag. Nasa lahi yata kaya nga Pilipinas ang unang-unang nasakop ng mga dayuhan sa Asya. Magaling lang magsalita sabi nga, wala naman sa gawa.

    Kaya nga iyong traydor at mandudurong Gloria iyan ang ginagawa, manakot nang manakot. Kawawa nga si Jun Lozada at ginagawan ng mga kasong hindi naman niya ginawa para matakot siyang tumestigo sa mga kahayupang ginagawa ng mga Pidal. Iyan ang makapal talaga ang mga apog!

    Kawawang bansa! My condolence.

  9. Yuko — October 7, 2008 #

    Truth is we have had 3 Prime Ministers since Gloria Makapal-gal declared herself president of the Philippines even when the only thing she seems best capable of is to lie and cheat!

    Over here, when officials of our government cannot do a good job, they have the good sense to resign rather than take all the blame for even the mistakes of people under them, for taking blame here can be severe and tragic especially when the officials get involved in even just one scandal that is not even as grave and serious as the scandals involving the Arroyo couple. Manipis kasi ang balat nila di tulad ng mga Pidal na crocodile skin yata ang meron.

    Our new PM is a graduate of Oxford University di gaya ni Gloria Dorobo, who claims even that she has been romantically linked with Bill Clinton, a graduate of Georgetown U and classmate daw niya even when she actually did not finish schooling there. Bisita status lang.

    PM Aso actually will have to go through a lot of scrutiny especially at this time of financial crisis caused by the idiot Americans voted twice to be their president with similar background as the idiota of the Philippines.

    I guess, it is about time to prepare for the coming doomsday! Unang-unang mawawasak iyong mga cultist leaders pretending to be prophets of God no doubt!

Leave a comment

Comments are highly encouraged but please stay on topic, be nice, objective and no spamming. All comments are moderated so it may take some time before your comment to appear, please read our Comments Policy for details. Alternately, you can use the Contact form for a more private and direct contact to Jun Lozada.