Jun Lozada Blogs / 11 posts / 2,184 comments / feed / comments feed

Awareness is the first step towards cure

What can an ordinary citizen do to stop this abusive president?

Human Behavior in an Abusive Relationship

All literature about abusive relationship such as domestic violence in a home, bullying in a school or different forms of harassment in a workplace shows that the situation will only improve once the victims learn how to say no to the abusers and tell themselves that they will not take any more abuse or violence ever again. Only then will the process of healing and liberation begin for the abused. Because over and over again the abuser will only show a pattern of abusive behavior and apology, yet will continue with the harmful acts to the abused.

The Power to ASK – The Untapped Power of Each Filipino to say NO!

In many forums that I have participated in as a resource speaker, the most common question asked of me is, “What can an ordinary Filipino do to fight the abuses of GMA?” My answer to this question is simple: each Filipino has the right and the ability to ask questions, and each one can use this right to force an answer from their leaders, until many of these leaders are disturbed enough to take action against the abuser.

Kung ikaw ay isang bata, tanungin mo ang iyong mga magulang, bakit nila hinahayaan ang gobyerno ni GMA na sirain ang inyong kinabukasan? Bakit nila pinababayaan ang walang humpay na pag-sisinungaling, at kapag nabubuking katulad ng NBN-ZTE at MOA sa MILF ay sasabihin lamang na binawi na, kaya ok lang? (Bilin ko sa mga bata ay kanilang bantayan ang reaksyon ng mukha ng kanilang magulang kapag ito ay kanilang tinatanong)

Kung ikaw ay isang estudyante, tanungin mo ang iyong kaklase, propesor o ang inyong principal o dean sa kolehiyo bakit hindi sila kumikibo sa harapan ng harap-harapang pang-iinsulto sa kanilang mataas na kaisipan na pinag-gagawa ng mga nasa gobyerno?

Kung ikaw ay isang empleyado, tanungin mo ang may-ari ng iyong pinapasukan bakit sila pumapayag sa pang-gigipit sa kanila ng mga tiwaling kawani ng gobyerno na dapat nga ay nagsisilbi sa kanila? Bakit sila pumapayag na makipag-ayos sa maling gawain ng mga abusadong otoridad?

 

Kung ikaw ay taga gobyerno, tanungin mo ang iyong amo o mga kasamahan, bakit sila nanahimik sa gitna nang laganap na korupsyon sa kanilang mga opisina? Bakit sila nanahimik sa gitna nang labis na dusa ng taong bayan na dapat ay kanilang pinagsisilbihan?

Kung ikaw ay sundalo, tanungin mo ang iyong opisyal at mga kasamahan, kung bakit patuloy pa rin ang inyong pagsisilbi sa isang gobyerno na wala nang tiwala ang taong bayan? Bakit patuloy pa rin ang inyong pagsisilbi sa isang gobyernong nagnanakaw sa bayan? Bakit patuloy ang inyong pagsisilbi sa isang organisasyong hindi na taga bantay-laya kundi isa nang taga bantay-nakaw?

Kung ikaw ay isang guro, tanungin mo ang kasamahan at mga opisyal ninyo, bakit marami sa kanila ang hindi sinusunod ang kanilang mga tinuturo? Bakit hindi nila maisabuhay ang maging isang ulirang modelo ng mga batang kanilang tinuturuan? Bakit isa sa pinaka-talamak na ahensya ng gobyerno ang DepEd? Bakit uso na sa parochial o private schools ang rebate sa book purchase?

Kung ikaw ay isang relihoyoso, tanungin mo ang iyong mga kasamahan at mga superyora, obispo, o cardinal, bakit meron sa kanila ang siya mismong taga suway ng kanilang sermon sa pulpito ng simbahan? Bakit tayo na nataguriang most Christian nation ay siya ring most corrupt sa Asya at isa sa pinaka-corrupt sa mundo? Bakit marami sa kanila ang nag-bubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan sa napakaraming katiwalian ng gobyerno ni GMA na nagtutulak sa napakaraming Pilipino lugmok sa kahirapan na gumawa ng kasalanan sa kapwa niya at sa Diyos?

Kung ikaw ay isang OFW, tanungin mo ang iyong sarili sampu ng mga kasamahan mo, kung ano ang serbisyo na naibibigay sa inyo ng gobyerno sa panganib na sinusuong ninyo bilang tagataguyod ng ekonomiya ng Pilipinas? Tanungin mo ang inyong pamilya kung ano ang kanilang natatanggap na tulong sa gobyerno kung kayo ay minamaltrato o ina-agrabyado sa ibang bansa?

Higit sa lahat, kung ikaw ay isang Pilipino, tanungin mo ang iyong sarili, bakit mo hinayaang gawin sa iyo ang pang-aabuso sa iyong dangal at pagkatao? Bakit mo hinahayaan na ang pinagpaguran mong pera ay bawasan ng buwis, na ang binibili mong pagkain, kuryente at gasolina ay patawan ng mas mataas na buwis, para lamang sa pakinabang ng mga nakaupo sa gobyernong ito ni GMA?

Matuto tayong magtanong hanggang tayo ay magising, dahil ang isang gising na bayan lamang ang magpapalaya sa atin laban sa mga mapang-abuso.